She's the right one for this situation. But she's the perfect person in my life.

Alam kong super elementary pero natutuwa pa rin ako sa assignment namin sa Fil 3 last week. Retorika ang topic namin kaya sa pamamagitan ng pagsusulat ng talata ay maaari naming maipakita kung gaano na kataas ang kakayahan namin sa paggamit ng mabuti at maayos na retorika. Ano raw? Haha.

Kailangan naming i-larawan ang aming matalik na kaibigan at ipaliwanag kung paano, bakit at saan kami nagkakilala at kailan umusbong ang tunay na pagkakaibigan. Nahirapan ako dito.Dumaan ang tatlong araw na wala akong masimulan dahil sa kakaisip kung sinong matalik na kaibigan ang dapat kong i-larawan at kalkalin sa puso ko.

Si Jazmene ang una kong naisip. Kaso super ikli pa lang ng pinagsamahan namin kaya sa tingin ko hindi magiging makulay ng bongga ang talata ko kapag siya. Kung si BJ naman, magiging kumplikado malamang ang pagsusulat ko. For sure, marami akong masasabi na sa tingin ko ay kulang ang tatlong papel. OA na weird pero I think that's the truth. :) Kaya naman ang isang taong to ang naisip kong babagay at tutugma sa mga balak kong gawin at isulat. Isang taong nagbigay ng kakaibang kulay na maaaring makapansin sa akin at sa gagawin ko.

Kaso tinamaan ako ng katamaran. Matagal kong tinitigan ang papel bago ako nakapagsimulang magsulat. Gayunpaman, ito na nga ang natatangi kong obra na punung puno ng pagmamahal at ligaya para sa taong tinutukoy dito ...

"Minsan siyang naging estranghero sa buhay ko, walang pansinan, walang pakialamanan. Nakakasama at nakikita araw-araw ngunit hindi nabibigyan ng sapat na oras para pahalagahan. Ngunit sa kabila nang sitwasyon naming iyon, hindi ko maiwasang makita ang iba't iba at kakaibang ugali at personalidad na mayroon siya. Sa tuwing pahihintulutan ako ng Diyos na pagmasdan siya, ninais ko ring mapalapit sa kanya at maging kaibigan siya. At sa paglipas ng panahon, ang pangarap kong ito ay natupad at mas lalo ko pa siyang nakilala.

Magkaklase kami nung hayskul at hindi ko malilimutan ang reaksyon ko nang una ko siyang makita. Napansin ko kasing may kakaibang pattern ang dulo ng palda niya kaya sa tuwing nakikita ko siya ay napapaisip ako dahil sa kakaibang misteryong iyon. Gusto kong tanungin iyon sa kanya subalit hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Pala-kaibigan siya subalit hindi nagkaroon ng daan para magkalapit kami. Marami siyang naging kaibigan at nakikita kong maraming nagmamahal sa kanya. Hanggang sa naging kaibigan siya ng isa ko pang matalik na kaibigan. Lagi silang magkasama at bandang huli, pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng karapatan para sumama sa kanila. Lalo akong nahiya sa kanya kaya mas lalong nawalan kami ng pag-asang maging matalik na magkaibigan.

Ngunit sa pagtuntong namin sa huling taon sa hayskul, mukhang itinakda ng langit ang aming paglalapit. At sa mga panahong iyon, nakita ko nang lubusan ang dahilan kung bakit siya sobrang mahal ng mga kaklase namin at nang halos lahat ng tao.

Mabait siyang kaibigan. Hindi lang basta simpleng mabait. Ang taglay niyang kabaitan at kabutihan ay nakakahawa na lahat ng mga kaibigan niya ay naisasama niya sa mabuting parte ng mundo. Nagkakaroon siya ng kakayahang mapasunod ang ibang tao kahit hindi niya kagustuhan. Sa kabila nito, lagi pa rin siyang humihingi ng opinyon at hindi lang basta kinokontrol ang isang sitwasyon.

Maliban sa kanyang kabaitan, masasabi kong kaakit-akit siya. Natatangi ang ganda niya na bibihira sa ibang tao. Sa bagay, lahat naman ng nagiging kaibigan ko ay magaganda ngunit ang nasa kanya ay maaaring maipagmalaki, ang kagandahang karapat dapat bigyan ng respeto. Dahil diyan kaya lubha ko siyang hinahangaan.

Matalino at masipag din siya sa kanyang sariling paraan. Bihira sa tao ang matalino na, masipag pa, kaya naman bilib na naman ako sa kanya. Kapag nagkakaroon kami ng mga pagsusulit, makikita mo siyang nakaupo at nag-aaral. At dahil katabi ko siya sa klase, hindi ko mapigilang ma-pressure kaya naman napipilitan din akong mag-aral. SIya ang sikreto ko kaya ako nakakakuha ng mataas na marka. Sa tuwing may pangkatang gawain naman kami o kaya'y research work na tinatapos, siya ang nagtutuloy ng mga gawain ko kapag nagsimula na akon mapagod at tamarin. Hindi rin siya nawawala sa mga group meetings at projects, at laging siya ang karamay ko sa pag-iisip at pagpupuyat para makapasa. Kaya naman masasabi kong hindi matatawaran ang pagkakaibigan namin dahil sa mga walang kapantay na hirap na naranasan namin nang magkasama.

Maipagmamalaki ko ring isa siyang maunawain at matiyagang tao lalo na pagdating sa akin. Sa tuwing magkasama kami at nagkwe-kwentuhan, hindi ko kailangang itago kung sino ako. Lahat ng gusto kong sabihin ay nasasabi ko. Kahit paulit-ulit na ang mga sinasabi ko, ipinapakita pa rin niya sa akin na interesado siya sa mga kwentong ibinubuhos ko sa kanya. Kahit hindi siya masyadong nakapagbibigay ng payo, ang mapakinggan niya ang lahat ng hinaing ko ay sapat na. Masasabi kong spoiled din ako sa kanya. Halos lahat ng hilingin ko ay pinagbibigyan niya. Tulad siya ng isang ina kung mag alaga at napatunayan kong hindi niya ako pababayaan.

Ilang taon na rin kaming magkaibigan. Ang lahat ng pinagsamahan namin sa loob ng ilang taon ang patuloy na nagpapatatag sa aming pagkakaibigan. Sa lahat ng nakita kong ginawa niya para sa akin, alam kong mahal niya ako. Maswerte ako sapagkat may isang tulad niya na dumating sa buhay ko. Kahit magkalayo kami ngayon at bihira ng mag-usap dahil sa sobrang daming gawain, alam kong walang nagbago at walang magbabago. Dahil ang estrangherong ito ay nakatatak na sa puso ko na walang sinuman at kung anumang makapagpaabago. :)"


Yan na yun. Isang buong papel din pala siya. Medyo wala ako sa mood nang sinulat ko yan kaya medyo magulo at hindi masyadong formal. Pero hindi ko na magawang maulit kasi hanggang ngayon tinatamad pa rin ako. ^.^v

Pero iyan ay para sa aking BESTEST. Love na love kita mafriend Jec. At sana kahit lagi kang pagod at nahiihirapan na sa buhay, wag kang susuko dahil nandito pa rin ako, naghihintay sa muling pagkikita natin tungo sa tunay na kaligayahan at kaunlaran. Gagraduate din tayong mga PIE. Tiwala lang.

Godbless lagi. Be brave and tough. MUAA. :D
 
Was it the horror of my past or the future foreseen?

Bongga ang panaginip ko. Kamay na may swero but the awful part of it, may dugo! Dugo ang kinukuha sa kanya from that swero. And the most scary part, nararamdaman ko yung sakit habang dumadaloy yung dugo sa swero. Brrrr. I still have the goosebumps until now. Natulog kasi ako ng super early kagabi, mga bandang 8:30 pm. Now, it is 3:08 am. Nagising ako sa panaginip na yun at sa tunog ng alarm clock. Kailangan ko rin kasing matapos ang assignment ko sa Math 2c na drawing ... Relate myself to any object. I chose rubber band. I know creepy ang maging rubber band. But with the help of my last blog, nagkaroon ako ng idea for my assignment.

My day depends on how I look at it. It's up to me if I could consider it a lovely day.
Maaga naman akong pumasok. May 7:30 class kami ngayon and this day was full loaded. Buong araw kaming may klase. But pagdating ko sa school, hindi pumasok ang two first teachers namin. Was it the horror? Well, I don't think so. The situation made us do other things. Nagpapicture na kami for our new library card na makukuha sa Friday at nakakuha na rin ako ng form para sa scholarship from Gov. Ebdane. Bongga ang project niya kapag totoo ang nabalitaan kong 2k a month yun. Daming lakad pero kahit medyo nakakapagod, kasama ko naman ang mga friends ko at nagka excercise na rin. :)

9:30 am ang naging first subject namin. Filipino 3. Our teacher, Dr. Agustin has full of stories. Yeah. Asahan mo na sa gitna ng discussions niya ay may kasamang biography niya, her personal and professional background. Horror ba ito para sa pag aaral ko? I think not. Actually, I like it, para naman hindi masyadong seryoso. May natututunan pa kami from her first hand experiences. At nakakatuwa siyang magkwento. Parang kwentuhang lasing lang. Gusto ko nga magkwentuhan na lang kami eh. Sharing. Haha. But that's so weird.

Educ 1 ang sumunod at about sa Biology ang topic namin pero ang totoo, more on psychology kami. Second choice ko ang course na BS Psychology noon (BS Accountancy ang first), pero parang hindi ko yata linya yun. Magkaiba kami ng pananaw ni Psych. Hindi tuloy laging tumpak ang mga sagot ko. Parang nagiging against tuloy ako sa kanya. Nakakatakot. Pero alam ko, magkakasundo rin kami. Pipilitin ko. Buti na lang rin pala at si Sir Marlon ang teacher. Hindi masyadong hassle.

During lunch break naman naganap ang election of officers para sa department namin. I was asked before if I would like to handle the organization. Bongga. Alam ko kaya kong mag President pero my confidence is not that huge. Kahit ano ng position, kahit Vice President, wag lang President. And then, my wish was granted. Bonggang Vice President nga ako ng hindi ko inaasahan. Thanks sa nomination ni Manuel at sa nakakastress kong speech, nakakuha ako ng 53 votes.Highest votes ever, that day. Haha. Yabang. Pero ewan ko ba. Joke ko lang talaga yung "kahit Vice President". Carry ko ba? Oh, here are the doubts again. But I think I can. Career-in ko na ahh. James Robison's the president naman eh and Manuel Garcia ang Secretary. And I really love the congratulatory part. May word bang congratulatory? Anyway, I know it's not the horror. Actually, I'm looking forward to the projects of this org. Gora! (gosh, umuulan na naman ng malakas!)

A text message from my beloved best friend and my former bf made my heart pump blood so fast. Oh my, dugo na. Wala lang naman yun. Pinapatanong niya lang kung anong oras pwedeng kunin yung transcript niya sa Registrar. Paalis na raw kasi siya bukas, which is ngayon. Aalis siya. Was it the horror? Natatakot nga ba akong umalis siya sa buhay ko?  Hahaha. And now I'm laughing alone. This is crazy. Pero honestly, napapaisip na ako kanina. Sabayan mo pa ng walking in the rain kasi nakalimutan kong magdala ng payong papuntang Admin. Basang basa tuloy ako. But sa pag iisip ko, natanong ko na naman sa sarili ko, Ano nga ba siya sa akin? Wala na lang ba talaga? Pero kasi, sa pagsulpot ni sweetie at ng kung sinu sino pa, isama mo pa ang hindi na namin pagkikita at pagsasama ng madalas, unti unti na akong nawawalan ng interes at care sa nararamdaman ko at sa nararamdaman niya. Okay na rin kung ma in love siya ulit. Okay na rin kung wala siya. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang mag muni muni. Siguro nasanay lang ako sa bonggang atensyon niya. Hinahanap hanap ko tuloy, Namimiss ba? But I think it's not my horror. He'll never be. My gosh, and I hate to think that way. He's always be there naman eh. I know.

Everything might be my dreadful moment. But again, it's all up to my decisions. I know I'm tough. I can accept everything. My gosh. Inaantok pa talaga ako. Hindi ako makatype ng mabilis.Hindi pa makaisip ng matino. Haha. Ito ba ang horror? Okay. 3:49 am na sa normal na orasan. Kailangan kong gisingin si Mama ng 4am sa super advance na orasan. 4:10 na yata dun. Pag hindi ko ginawa yun, baka maka face to face ko na ang totoong horror.

I will talk to you later after kong gumawa ng assignment sa English 3. Maybe 10pm? Ahe. Okay. No horrors for today. GOD BLESS! <3

Good Morning. :)


 
Picture
Everyday is not just a day. It is made up of efforts, smiles, awkwardness and other different crazy things. If you consider your day as a nonsense one, then that day was not the problem ... you are.

Sa totoo lang, sa gabi hirap akong makatulog. Pero sa umaga, hirap naman akong magising. Definitely ironic. Pero bilang isang mapangarap na tao, nilalagpasan ko ang pagsubok na ito at pilit na pinapasaya ang sarili sa bawat araw na naimumulat ko ang mga mata. Everyday, I feel so blessed. And that's really the secret for having a great day.

And OK. Ang aga aga kong nagising kanina. Todo effort pa ako sa pagporma. But when I checked my schedule, OMG, wala pala akong klase today. Tuesday. Our class has Eng 2 and Math 2c subjects. I didn't enroll this Eng 2, actually absent din ang prof nila. At sa Math 2c, well, wala ring prof. Bongga! But what did I do? Alangan namang magmukmok ako at manghinayang sa maganda kong attire at sa maaga kong paggising? I am a flexible person. I am able to adjust readily to different situations and conditions.

Dahil dyan, hindi naging hadlang para sa akin ang kawalan ng guro para madagdagan ang kaalaman. Ayown. Nagtungo ako sa library para mag advance study. Kaso naiwan ko ang library card pati na rin ang Registration Card ko. Hindi pwedeng manghiram ng Books. At dahil nga flexible ako, naghanap ako ng mapapala. Eksakto namang andun si Pres ng SSG at ipinasa sa kanya ang pinagawa niya sa akin kahapon. Hahaay. Nangingiti talaga ako pag nakikita ko yung taong yun. Di ko naman siya crush, pero nangingiti ako. HAHA. Ano pala? Anyway, kahit binigyan niya ako ng creepy moments nang pabigla siyang dumikit sa akin para makita ang consolidation na ginagawa ko, okay na rin. O ayan, nakangiti ako ngayon. :) At sinong may sabing walang kwenta ang araw at ang pagpunta sa library? <3

Sa dami ng tuwa na nasinghot ko (haha. what a word!), bigla naman akong nagutom. At dahil kalagitnaan pa lang ng 10 am, nahirapan naman akong magdecide kung magla-lunch na ba ako o magmemeryenda lang. Pero dahil pumasok na ang friend ko na hindi ko mawari kung friend ko talaga or something just a companion na si Ate Tin, naabutan ko ang sarili ko sa canteen na bumibili ng maraming meryenda. Nakakahawa kasi siya eh. Masaya naman ako sa presence niya at ni Friend Jha. But I felt just a little awkward. Kahapon lang pinag uusapan namin ni Jha yung mga hated traits kay Ate Tin tapos ganun na uli ako ka-comfortable na kasama siya. I should admit na na-miss ko rin siya kahit papaano. Di ko alam kung naaawa ako sa kanya or just I'm really good at controlling situations. But all in all, I was happy. I-dagdag mo pa na hindi galit sa akin si Maning(well, both of them have a little problem with my best friend). Pero hindi ko na masyadong naisip yun. Basta nabusog ako sa lumpia, kornik na may maanghang na suka at kaunting french fries.

Oras ng pag uwi ang sumunod naming dilemma. Pero dahil magaling rin ako sa paggawa ng decisions, maliban sa flexible ako, I asked them to wait for a couple or more hours before going home. Ewan ko ba. Ayaw ko lang talaga sigurong madatnan ang mga tao sa bahay namin na katatapos mag lunch. Malamang ako ang maghuhugas ng pinggan. There was an overwhelming guilt pero ayun, natuloy pa rin ang planong yun.

Having a little chit chats with our former adviser was another enjoyable moment. Bongga sa pag refresh ng memories si Ate Tin. At tungkol pa talaga sa mga bagay na gusto ko ng makalimutan. Anyway, nag enjoy pa rin ako. Pero ang mas nakaka enjoy nang makatanggap ako ng text.

"May klase ka pa mamayang hapon?"

At dahil madali rin akong mapasaya, eh natuwa ako. You know me. Haha. I don't know if this guy really gives me what they call special treatment or just bored. Well, madalas na niya akong tinetext ngayon. In a way na parang lagi siyang nag eexplain. The problem is, hindi ko siya type. And the bigger problem is, napapakilig niya ako. Sige na. Papasok na rin ako sa Bahay ni Kuya. But take note, I hate PBB teens in a verb way. Ano raw? Basta yun, it's just hindi ko lang mapigilang maramdaman. At wala rin akong pinagsasabihan in case na guni guni ko lang ang lahat.  And the happiest part of it, tuluyan na akong nakakamove on mula sa paglagapak ng puso ko sa lupa.

At ayun nga, pagkabasa ko ng text niya, bigla siyang sumulpot sa harap ng room namin. So instead of texting him, nilapitan ko na lang siya at sinabi ang masamang balita (para sa akin lang yata) na pauwi na ako. Nakangiti pa rin naman siya. Nang magpaalam ako, akala ko hanggang dun na lang. Walang sawang pagtetextan pa rin ang ginawa namin, hanggang ngayon. SIge OA na yung walang sawa at yung hanggang ngayon. Hindi ko na kasi siya nireplyan kanina pa eh. Wala lang akong maisip na topic. But still, kakaiba pa rin na masaya. ^.^

Kung sasabihin kong isang walang kwentang araw ang dumaan, siguro hindi ako mapapatawad ni Lord. What they say is that experiences are the best teachers and the best lessons you will learn should be realized by you yourself. Sariling sikap. At ang namumuong love sa lahat ng parte ng katawan ko, it is a part of my flexibility to stand up and to be inspired.

You're not a loser. But when you think and accept that you are, then maybe you are. It's what you think about yourself that matters. Forget the bad days ... because they don't exist. :)

GOOD NIGHT.

P.S.
Happy 151st Birthday to the great and honorable hero of the Philippines -- Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ! You are still alive in every Filipino's hearts. :D



 
Picture
Chromosomes are the carriers of genetic code. And when the ovum and the spermatozoon unite, 23 chromosomes from each of the parents were given to the newly created human being.

UNITY.
We need unity to create extraordinary things. And this unbelievable unity emphasizes my COMMITMENT.

OK. Nasa commitment na rin lang tayo, commitment ko na sa pagkanta ng Lupang Hinirang sa Orientation sa school ang unahin natin. No practice. No sweat. Echos. Haha. Yung totoo, nakakakaba ng bongga. Dahil hindi lang basta Lupang Hinirang yun. Lupang Hinirang yun eh. Pinaghirapan din yun nina Julian Felipe at Jose Palma. I know nanginginig ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa mic. Syempre yung kanan sa dibdib. Hahaay. After ng lahat, ayoko talagang pag usapan ang nangyari hanggang sa tinawag ako ni Sir Jim. Astig ang comment niya sa akin ...
"Bakit hindi ka man lang nagbihis ng maganda."
Cute na smile lang ang naisagot ko sa kanya. :)

Isang kagimbal gimbal na pagkakataon naman ang nasaksihan ko nang maputol ang dinidiscuss kong topics sa Inorganic Chemistry sa mga kaklase ko. Hiniling ng aming butihing adviser na mag elect ng officers. Guess who's the chairman? Syempre ako. And guess who's the president? Syempre ako ulit. Haha. At dahil nagkaroon na naman ako ng karapatan na maging Hitler, pininindigan ko na. But let's face it. Another commitment again. Shinare ko na ang mga responsibilities at inilatag ang aking rules and regulations:

~Secretary and Treasurer are my favorite officers. Isama na rin natin si Bussines Manager. Nautusan ko sila agad.
~ Five pesos (dati 20 pesos) ang fine sa bawat offense na nagagawa. Offenses: Hindi naka uniform. Walang ID. Cleaners na hindi naglilinis. Late. Saka na ako mag iisip na iba pa. :)
~Kailangan maghulog ng piso everyday para lumago naman ang class fund namin. Ang dami dami naming kailangang i-invest sa room na yun.
~ Maraming maraming design ng room. Aminin man namin o hindi, pathetic ang room namin. Wall clock na nga lang sira pa. Sayang ang battery na dinala ko kanina.

Magreklamo man ang mga subjects ko, well, ginusto nila akong itaas, then buhatin nila ako. HAHA. Siyempre, joke. Magiging mabuti at responsable ako.

At ito na nga. Nasa teaching profession naman ang commitment ko sa hinaharap, pinanindigan ko na rin. Ako na ang nagdiscuss ng bonggang bongga tungkol sa course outline at reports namin sa Nat Sci 6. Ako na ang echosera. Wala lang talaga akong masyadong alam sa Chemistry pero ang dami dami ko pa ring sinabi.

Natural Selection. Survival of the Fittest. Elimination of the unfit.
Tinuro ni Sir Marlon ngayong araw sa Educ 1. Astig ang subject na yun ngayon kahit ito lang ang kinlase namin sa buong araw, 3 to 5pm pa nga. Pero bilang estudyante, kailangan naming tanggapin iyon at ako, nais ko ring tanggapin ang bawat tanong na ibinabato niya.
Madalas, ang sagot sa tanong ang pinoproblema ko. Pero kanina, kung paano ko masasagot ang sagot ko ang kailangan kong solusyunan. Ako na ang hindi tinatawag. Kaya naman nang makakita na ako ng chance, gora na ako.

"Kailan nagsisimula ang Human development?"

"......"

"Oh kailan?" bonggang nakatingin siya sa harap niya. At dahil nasa gilid ako, malayo ang atensyon niya sa akin.

"......"

"Ikaw nga Miss Maganda .." alam kong hindi siya sa akin nakatingin pero hindi ko na talaga napigilan.

"Ako Sir?" ngiting ngiti ako. Pero hindi lang ang atensyon ni Sir ang nakuha ko. Lahat sila tumingin sa akin at saka tumawa ng malakas. Bongga. Hindi naman ako nag joke. Pero sige na nga. Tumawa na rin ako.

Human development begins when the egg cell was fertilized by the sperm cell. At tama naman ako. Maganda pa. XD

Tulad ng Egg cell at Sperm cell kaming mga BEED II ngayon. At kapag nagpatuloy to, makakabuo kami ng isang kakaibang nilalang na hindi mapapantayan ng sino at ano man, dala dala ang CHROMOSOME namin na tinatawag nating LEGACY.

Bongga. :D

 
I saw.
I felt.
Then I tried.
But at the end, I can't avoid what's really meant for me.

Nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog. Normal na tanawin ang tumambad sa akin. Kahit isang matinding pag alog ang nadama dahil sa lindol na intensity 6, 6 ba?, well, handa pa rin tanggapin ang nakaatang sa akin. Nakakalunod man ang lakas ng ulan sa labas at kahit hindi ko mapigilan ang pagtili sa tuwing magba-brown out, buhay pa rin ako.

It has been a boring day. It did not kill me though.
And while I was lurking in and out of my room just to hide this peculiar feeling, I saw a spark. A little spark that became an overwhelming light. It swallowed me. I know it's kinda weird but I saw a burger talking to me.
Yeah, a human size burger.
My future boyfriend.
A delicious but unhealthy being.
Addictive.

Parang delikado ang hinaharap ko. But I saw myself leaving and returning to a macaroni salad. Never kong nagustuhan ang macaroni salad. But somehow, it made me curious. Curious sa lahat ng bagay na naglalabasan sa mundo.

The spark disappeared. I saw myself smiling in the mirror. Looking over my sparkling eyes, it was creepy. As I realized that I was daydreaming, reality came.

It hurts.
And mind blowing.

Ito ang nagawa sa akin ng paggawa sa trabaho ng kapatid ko para sa school nila. At ang paghahanap ng isang bagay na pinagdarasal ko na meron, nakakaubos ng lakas.

Good night na. Everything will be in place tomorrow. :)

P.S.
Minsan ang magulang nakakatulong na nakakasira sa pangarap. Bahala ka ng magdecide kung alin siya dun. Tss. <3