Picture
Everyday is not just a day. It is made up of efforts, smiles, awkwardness and other different crazy things. If you consider your day as a nonsense one, then that day was not the problem ... you are.

Sa totoo lang, sa gabi hirap akong makatulog. Pero sa umaga, hirap naman akong magising. Definitely ironic. Pero bilang isang mapangarap na tao, nilalagpasan ko ang pagsubok na ito at pilit na pinapasaya ang sarili sa bawat araw na naimumulat ko ang mga mata. Everyday, I feel so blessed. And that's really the secret for having a great day.

And OK. Ang aga aga kong nagising kanina. Todo effort pa ako sa pagporma. But when I checked my schedule, OMG, wala pala akong klase today. Tuesday. Our class has Eng 2 and Math 2c subjects. I didn't enroll this Eng 2, actually absent din ang prof nila. At sa Math 2c, well, wala ring prof. Bongga! But what did I do? Alangan namang magmukmok ako at manghinayang sa maganda kong attire at sa maaga kong paggising? I am a flexible person. I am able to adjust readily to different situations and conditions.

Dahil dyan, hindi naging hadlang para sa akin ang kawalan ng guro para madagdagan ang kaalaman. Ayown. Nagtungo ako sa library para mag advance study. Kaso naiwan ko ang library card pati na rin ang Registration Card ko. Hindi pwedeng manghiram ng Books. At dahil nga flexible ako, naghanap ako ng mapapala. Eksakto namang andun si Pres ng SSG at ipinasa sa kanya ang pinagawa niya sa akin kahapon. Hahaay. Nangingiti talaga ako pag nakikita ko yung taong yun. Di ko naman siya crush, pero nangingiti ako. HAHA. Ano pala? Anyway, kahit binigyan niya ako ng creepy moments nang pabigla siyang dumikit sa akin para makita ang consolidation na ginagawa ko, okay na rin. O ayan, nakangiti ako ngayon. :) At sinong may sabing walang kwenta ang araw at ang pagpunta sa library? <3

Sa dami ng tuwa na nasinghot ko (haha. what a word!), bigla naman akong nagutom. At dahil kalagitnaan pa lang ng 10 am, nahirapan naman akong magdecide kung magla-lunch na ba ako o magmemeryenda lang. Pero dahil pumasok na ang friend ko na hindi ko mawari kung friend ko talaga or something just a companion na si Ate Tin, naabutan ko ang sarili ko sa canteen na bumibili ng maraming meryenda. Nakakahawa kasi siya eh. Masaya naman ako sa presence niya at ni Friend Jha. But I felt just a little awkward. Kahapon lang pinag uusapan namin ni Jha yung mga hated traits kay Ate Tin tapos ganun na uli ako ka-comfortable na kasama siya. I should admit na na-miss ko rin siya kahit papaano. Di ko alam kung naaawa ako sa kanya or just I'm really good at controlling situations. But all in all, I was happy. I-dagdag mo pa na hindi galit sa akin si Maning(well, both of them have a little problem with my best friend). Pero hindi ko na masyadong naisip yun. Basta nabusog ako sa lumpia, kornik na may maanghang na suka at kaunting french fries.

Oras ng pag uwi ang sumunod naming dilemma. Pero dahil magaling rin ako sa paggawa ng decisions, maliban sa flexible ako, I asked them to wait for a couple or more hours before going home. Ewan ko ba. Ayaw ko lang talaga sigurong madatnan ang mga tao sa bahay namin na katatapos mag lunch. Malamang ako ang maghuhugas ng pinggan. There was an overwhelming guilt pero ayun, natuloy pa rin ang planong yun.

Having a little chit chats with our former adviser was another enjoyable moment. Bongga sa pag refresh ng memories si Ate Tin. At tungkol pa talaga sa mga bagay na gusto ko ng makalimutan. Anyway, nag enjoy pa rin ako. Pero ang mas nakaka enjoy nang makatanggap ako ng text.

"May klase ka pa mamayang hapon?"

At dahil madali rin akong mapasaya, eh natuwa ako. You know me. Haha. I don't know if this guy really gives me what they call special treatment or just bored. Well, madalas na niya akong tinetext ngayon. In a way na parang lagi siyang nag eexplain. The problem is, hindi ko siya type. And the bigger problem is, napapakilig niya ako. Sige na. Papasok na rin ako sa Bahay ni Kuya. But take note, I hate PBB teens in a verb way. Ano raw? Basta yun, it's just hindi ko lang mapigilang maramdaman. At wala rin akong pinagsasabihan in case na guni guni ko lang ang lahat.  And the happiest part of it, tuluyan na akong nakakamove on mula sa paglagapak ng puso ko sa lupa.

At ayun nga, pagkabasa ko ng text niya, bigla siyang sumulpot sa harap ng room namin. So instead of texting him, nilapitan ko na lang siya at sinabi ang masamang balita (para sa akin lang yata) na pauwi na ako. Nakangiti pa rin naman siya. Nang magpaalam ako, akala ko hanggang dun na lang. Walang sawang pagtetextan pa rin ang ginawa namin, hanggang ngayon. SIge OA na yung walang sawa at yung hanggang ngayon. Hindi ko na kasi siya nireplyan kanina pa eh. Wala lang akong maisip na topic. But still, kakaiba pa rin na masaya. ^.^

Kung sasabihin kong isang walang kwentang araw ang dumaan, siguro hindi ako mapapatawad ni Lord. What they say is that experiences are the best teachers and the best lessons you will learn should be realized by you yourself. Sariling sikap. At ang namumuong love sa lahat ng parte ng katawan ko, it is a part of my flexibility to stand up and to be inspired.

You're not a loser. But when you think and accept that you are, then maybe you are. It's what you think about yourself that matters. Forget the bad days ... because they don't exist. :)

GOOD NIGHT.

P.S.
Happy 151st Birthday to the great and honorable hero of the Philippines -- Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ! You are still alive in every Filipino's hearts. :D






Leave a Reply.