Was it the horror of my past or the future foreseen?

Bongga ang panaginip ko. Kamay na may swero but the awful part of it, may dugo! Dugo ang kinukuha sa kanya from that swero. And the most scary part, nararamdaman ko yung sakit habang dumadaloy yung dugo sa swero. Brrrr. I still have the goosebumps until now. Natulog kasi ako ng super early kagabi, mga bandang 8:30 pm. Now, it is 3:08 am. Nagising ako sa panaginip na yun at sa tunog ng alarm clock. Kailangan ko rin kasing matapos ang assignment ko sa Math 2c na drawing ... Relate myself to any object. I chose rubber band. I know creepy ang maging rubber band. But with the help of my last blog, nagkaroon ako ng idea for my assignment.

My day depends on how I look at it. It's up to me if I could consider it a lovely day.
Maaga naman akong pumasok. May 7:30 class kami ngayon and this day was full loaded. Buong araw kaming may klase. But pagdating ko sa school, hindi pumasok ang two first teachers namin. Was it the horror? Well, I don't think so. The situation made us do other things. Nagpapicture na kami for our new library card na makukuha sa Friday at nakakuha na rin ako ng form para sa scholarship from Gov. Ebdane. Bongga ang project niya kapag totoo ang nabalitaan kong 2k a month yun. Daming lakad pero kahit medyo nakakapagod, kasama ko naman ang mga friends ko at nagka excercise na rin. :)

9:30 am ang naging first subject namin. Filipino 3. Our teacher, Dr. Agustin has full of stories. Yeah. Asahan mo na sa gitna ng discussions niya ay may kasamang biography niya, her personal and professional background. Horror ba ito para sa pag aaral ko? I think not. Actually, I like it, para naman hindi masyadong seryoso. May natututunan pa kami from her first hand experiences. At nakakatuwa siyang magkwento. Parang kwentuhang lasing lang. Gusto ko nga magkwentuhan na lang kami eh. Sharing. Haha. But that's so weird.

Educ 1 ang sumunod at about sa Biology ang topic namin pero ang totoo, more on psychology kami. Second choice ko ang course na BS Psychology noon (BS Accountancy ang first), pero parang hindi ko yata linya yun. Magkaiba kami ng pananaw ni Psych. Hindi tuloy laging tumpak ang mga sagot ko. Parang nagiging against tuloy ako sa kanya. Nakakatakot. Pero alam ko, magkakasundo rin kami. Pipilitin ko. Buti na lang rin pala at si Sir Marlon ang teacher. Hindi masyadong hassle.

During lunch break naman naganap ang election of officers para sa department namin. I was asked before if I would like to handle the organization. Bongga. Alam ko kaya kong mag President pero my confidence is not that huge. Kahit ano ng position, kahit Vice President, wag lang President. And then, my wish was granted. Bonggang Vice President nga ako ng hindi ko inaasahan. Thanks sa nomination ni Manuel at sa nakakastress kong speech, nakakuha ako ng 53 votes.Highest votes ever, that day. Haha. Yabang. Pero ewan ko ba. Joke ko lang talaga yung "kahit Vice President". Carry ko ba? Oh, here are the doubts again. But I think I can. Career-in ko na ahh. James Robison's the president naman eh and Manuel Garcia ang Secretary. And I really love the congratulatory part. May word bang congratulatory? Anyway, I know it's not the horror. Actually, I'm looking forward to the projects of this org. Gora! (gosh, umuulan na naman ng malakas!)

A text message from my beloved best friend and my former bf made my heart pump blood so fast. Oh my, dugo na. Wala lang naman yun. Pinapatanong niya lang kung anong oras pwedeng kunin yung transcript niya sa Registrar. Paalis na raw kasi siya bukas, which is ngayon. Aalis siya. Was it the horror? Natatakot nga ba akong umalis siya sa buhay ko?  Hahaha. And now I'm laughing alone. This is crazy. Pero honestly, napapaisip na ako kanina. Sabayan mo pa ng walking in the rain kasi nakalimutan kong magdala ng payong papuntang Admin. Basang basa tuloy ako. But sa pag iisip ko, natanong ko na naman sa sarili ko, Ano nga ba siya sa akin? Wala na lang ba talaga? Pero kasi, sa pagsulpot ni sweetie at ng kung sinu sino pa, isama mo pa ang hindi na namin pagkikita at pagsasama ng madalas, unti unti na akong nawawalan ng interes at care sa nararamdaman ko at sa nararamdaman niya. Okay na rin kung ma in love siya ulit. Okay na rin kung wala siya. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang mag muni muni. Siguro nasanay lang ako sa bonggang atensyon niya. Hinahanap hanap ko tuloy, Namimiss ba? But I think it's not my horror. He'll never be. My gosh, and I hate to think that way. He's always be there naman eh. I know.

Everything might be my dreadful moment. But again, it's all up to my decisions. I know I'm tough. I can accept everything. My gosh. Inaantok pa talaga ako. Hindi ako makatype ng mabilis.Hindi pa makaisip ng matino. Haha. Ito ba ang horror? Okay. 3:49 am na sa normal na orasan. Kailangan kong gisingin si Mama ng 4am sa super advance na orasan. 4:10 na yata dun. Pag hindi ko ginawa yun, baka maka face to face ko na ang totoong horror.

I will talk to you later after kong gumawa ng assignment sa English 3. Maybe 10pm? Ahe. Okay. No horrors for today. GOD BLESS! <3

Good Morning. :)





Leave a Reply.