PROLOGUE
Ang buhay ay isang malaking desisyon. Ang tatahakin mong landas ay nakadepende sa kung anong desisyon ang piliin mo. Sabi nila, DESTINY raw ang tawag sa kung ano man ang kahahantungan mo. Lalo na sa love. Pero sa paniniwala ko, HINDI. Don’t give everything to destiny because at the end, it is always your choice.
And this choice I made, though it’s painful, I know it’s right.
CHAPTER one
Kahit kalian, alam kong sablay ako sa paggawa ng desisyon para sa sarili ko. Ang pagkuha ko ng course na BA Journalism sa particular na Unibersidad na ito ay isang nakakatakot na bahagi ng buhay ko. Naexcite yata ako sa mga journalists na nagsusulat ng mga balita kaya napagkatuwaan ko ring kunin ang ilan sa mga major subjects ko sa unang dalawang taon ko sa kolehiyo. Pati ang pagsama ko kay Mama sa bagong tinitirhan niya ay parang hindi naman makakatulong sa pang araw araw ko na gawain. Kung pumayag na lang sana ako sa gusto ni Papa na mag rent ng isang komportableng bahay malapit sa School, edi sana hindi ako masyadong nahihirapan. Pati sa buhay pag ibig ko. Hindi ko ba alam kung hindi talaga ako marunong pumili. May taste naman ako sa babae. Siguro nagkaroon na ako ng mahigit benteng magagandang girlfriends. Oo, mabilis ako mainlove, kaya siguro mabilis rin akong ma- out of love. Sa umpisa lang nakakatuwa. The pain I feel after every break up, it’s not that helpful. Kaya siguro lately, hindi na rin ako masyadong nagseseryoso. At ayun nga, sa bawat pagtatapos, pinagsisisihan ko.
Sana sa bagong semester na ito ngayong 3rd year na ako, may magbago naman sa landas ng buhay ko. Kaya naman sa unang araw ng pagbabalik ko sa pinagtyatyagaan kong pamantasan, Ako, si Alejandro Jose V. Ruiz, just call me Aj, ay sumusumpang gagawin ang lahat upang maituwid ang mga pagkakamali at panindigan ang lahat ng sinalo kong biyaya at problema. TAMA!
Pero sige, OA na ang reaction ko sa mga nangyayari. Ito na ang first day at mukhang nabiyayaan ako. Isang maaliwalas na panahon at hindi hassle ang pagpasok. Hindi masyadong traffic. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Although wala pa namang klase at pagkuha pa lang ng schedule ang gagawin ko ngayong araw ay big deal pa rin yun sa akin. Unang una ako sa announcement board kaya in-enjoy ko na ang paghahanap ng mga subjects ko.
“Excuse me.” sabi ng isang babae na nasa tabi ko na pala. Nagulat ako sa kanya kaya bigla kong naitaas ang kamay ko at naihampas ko sa kanya. Mahina lang naman yun kaya nagtaka ako kung bakit pati sa dalawang steps ng hagdan sa tabi niya ay nahulog siya. Sa kasamaang palad, lahat ng gamit na hawak niya ay nagkalat sa buong paligid. Masamang pangitain? Kinabahan ako bigla.
“Naku, sorry!” sabi ko dahil na rin sa gulat. Mabilis ang mga pangyayari.
Agad ko siyang pinuntahan sa baba saka pinulot ang mga gamit niya. Kung maganda lang sana ang babaeng ito, ayos na sana eh. Ok sige. Hindi naman siya pangit, pero wala siya sa kalingkingan ng mga naging girlfriends ko. Hindi takaw atensyon ang itsura niya. Medyo naiintindihan ko siya, pero para sa isang babae, mahirap yata ang ganung sitwasyon. Sa sobrang busy kong i-judge ang itsura niya, hindi ko namalayang may kumakausap na pala sa akin.
“Excuse me, Kuya. Sa iyo pa yata ito.”
Napatitig ako sa taong nag abot sa akin ng eraser. Ito ang sinasabi kong maganda. Ngumiti siya sa akin at parang nagpa cute (o guni guni ko lang?).
“Salamat.” yun lang ang nasabi ko. Ngumiti siya ulit saka umalis. Hindi na rin ako nagsisisi sa nangyari. Nakakita ako ng anghel. May maamong mukha, may maputing balat, straight na buhok at mabango. I think I’m in love. Sa tingin ko, first year yun. Ngayon ko pa lang kasi siya nakita. Ano kayang pangalan at course niya? Sana ka-department ko siya. Excited na ulit akong makita siya. At ayun, habang tinitignan ko siyang naglalakad palayo, alam kong inspired na naman ako.
Bigla namang kinuha ng babaeng naitulak ko ang eraser na hawak ko. Gusto ko sanang arborin yun kaso bigla naman akong nahiya. Kahit medyo sarcastic, direct to the point at mukhang walang hiya akong tao, nagawan ko pa rin ito ng kasalanan. At sa tingin niya sa akin nang mga oras na iyon, parang ayaw ko siyang maging kaibigan.
“Hmm, sorry nga pala. Hindi ko kasi napansin na may tao na pala sa tabi ko ...” napansin kong hindi niya pinakikinggan yung sinasabi ko. Iyon pa naman ang kinaiirita ko. Pero bigla siyang humarap sa akin, nakangiti na.
“Okay lang yun. Sorry rin nagulat kita.” sabi niya lang. Nakakapagtaka. Kakaiba itong babaeng ito. Pero nagbago na isip ko. Hindi na boring ang itsura niya. Somehow, she’s attractive with that smile. Pero wala pa rin talaga siyang binatbat sa anghel na nakita ko. :)
Umakyat na ulit siya sa dalawang steps ng hagdan na pinaghulugan niya. Siguro masakit talaga yun. Parang nakikita ko pa rin sa mukha niya yung sakit eh. Pero lumapit na ulit siya sa board at seryosong tinitignan ito. Maya-maya ay umalis na siya. Dun ko narealize na nakatayo lang ako sa lugar na iyon, pinagmamasdan ang kawalan. Napailing na lang ako. Binalikan ko na lang ang board saka inayos ang schedule.
-------------------
Mga bandang 8:16 am ako natapos kumuha ng schedule. Dahil 10:30 am pa ang next subject ko, dumiretso muna ako sa cafeteria, umaasa na andun ang barkada.
“JABBS!” tinawag at sinalubong na agad ako ng dalawa kong kaibigan, sina Gino at Marky.
“Uyyy. Anong balita?” excited kong tanong. Matagal na panahon na rin nang huli kaming magkita.
“Balita? Hinahanap ka ni Charlie boy.” tumatawang sabi ni Gino. Bilib na talaga ako sa Journalism Club president namin, unang araw ng klase assistance ko na naman yata ang kailangan. Nagkibit balikat lang ako. Wala pa akong balak magpakita sa kanya.
“Sige JABBS, kuha muna kami ng schedule.” paalam nilang dalawa. Kahit kalian talaga, hindi handa tong mga kaibigan ko. Naiwan akong mag isang nakaupo doon, naghihintay ng oras.
“Excuse me po, saan po ba ang Bldg. 4AB?” biglang tanong ng isang babaeng lumapit sa akin. Nagulat naman ako nang makita kong siya yung babaeng naitulak ko kanina.
“Uhh, yung pangatlong building sa kanan mula rito. Yung color orange.” sabi ko agad. Nasa imahinasyon ko na ang building na yun dahil dun din ang destinasyon ko.
“Thanks po.” sabi nito nang nakangiti saka umalis. Makalipas ang halos 3 minuto, naisipan ko na ring tumayo at pumunta na sa designated room ng next subject ko. Gusto ko na ring sumagap ng aircon at magdaydream.
Habang naglalakad ako, napansin kong yung babae pa ring naitulak ko ang nasa harapan ko. Oo nga pala, iisang building ang pupuntahan namin. Parang sinusundan ko tuloy siya. Pero nang nasa loob na kami ng building, napansin ko na sinusundan ko pa rin siya. Nakatingin siya sa mga numbers ng bawat room na nakalagay sa itaas na bahagi ng mga pinto. Huminto siya sa tapat ng Room 409 saka pumasok.
Dumiretso ako sa paglalakad. Tinignan ko ang schedule ko para alamin ang room number ko.
Philo1 ---> 10:30am – 11:30am ---> Room 409 ---> Prof. Lorenzo Cano
Room 409? Totoo ba to? Bumalik ako sa dinaanan ko kanina. Magkaklase kami ng babaeng yun? What a coincidence!