PROLOGUE
Isang nakakagulat na tunog ang nilikha ng pintong pabagsak na isinara ni Kino. Lahat ng tao sa bahay na pinasukan niya ay napatingin sa kanya. Nang mga oras na iyon ay nakasandal na siya sa may pinto at nakatingin sa kisame na tila nag-iisip, pagod na pagod.
“Anak, anong nangyayari?” tanging nasabi ng kanyang ina na inihinto ang pag a-almusal. Nag-aalala at nagtataka siya sa kakaibang kinikilos ng anak. Hindi naman sumagot si Kino na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.
“Nahuli ka na nila, ano? At ngayon hinahabol ka na nila? Hindi ba matagal ko ng sinasabing itigil mo na ang kalokohang ito? Wala ring mangyayari kahit mapatunayan mong tama ka.” bigla namang sabi ng kanyang ama na tila nahuhulaan na ang mga nangyayari. Napatayo na ito, nakatingin sa kanya ng masama. Hindi pa rin siya natinag. Hindi pa rin nagsalita.
“Kuya?”
Sa isang salitang iyon lamang tila natauhan si Kino. Ang malambing na tinig na iyon ang gumising sa kanyang magulong pag-iisip. Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig at dinala siya ng kanyang mga mata sa kinaroroonan ng kanyang kapatid na palapit na sa kanya. Makikita sa mga mata nito ang pag-aalala at takot.
“Kuya?” ulit ni Karin, saka siya niyakap nito. Napangiti siya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. Hinding hindi niya hahayaang may mangyaring masama dito.
Hinawakan niya ang ulo ni Karin saka ito hinaplos.
“Huwag na lang kayong maingay, Papa.” mahina niyang sabi saka naglakad patungo sa kwarto niya. Hinila niya ang isang drawer. Inilabas niya lahat ng papeles, notebooks at kung anu ano pang ebidensiyang maaaring magpatunay sa mga natuklasan niya. Inilagay niya ang lahat ng ito sa basurahan saka sinimulang sindihan. Tinitigan niya ito habang unti-unting kinakain ng apoy ang mga pinaghirapan niya.
Maya-maya’y bigla siyang napatingin sa kama niya na para bang may tumawag sa kanya. Lumapit siya doon at hinila ang isang berdeng notebook mula sa ilalim ng unan niya. Binuklat niya ito at muling tinignan ang mga nakasulat doon. Ito ang pangarap niya. Ito na ang buhay niya. Ito na ang gusto niya simula pa lang. Pero may pagkakataon talagang kailangan niyang umatras sa mga bagay na ilang taon nang planado.
“Kuya! Huwag mong sunugin yan!” sigaw ni Karin habang patakbo sa loob ng silid ni Kino. Kanina pa pala siya pinagmamasdan ng kanyang kapatid. Muli namang napangiti si Kino. Hinila niya si Karin at pinaupo sa tabi nito.
“Mahirap kalaban ang gobyerno. Pero mas mahirap kalabanin ang mga taong kumokontrol at nagpapaikot dito.” sabi ni Kino habang binubuklat pa rin ang notebook. Mukhang mas kausap ang sarili, kaysa kay Karin.
“Anong ibig mong sabihin, Kuya? Hindi mo na ba gustong maging lawyer? Diba gusto mo lahat ng yan?” sunud sunod na tanong ni Karin. Hindi na maintindihan ng mumunti niyang isip ang mga nangyayari. Tumingin naman sa kanya si Kino, seryoso.
“Hindi ang gusto natin sa buhay ang magdidikta ng patutunguhan natin. Minsan, may mga bagay na mas mahalaga pa doon.” maikling sagot ni Kino, sabay ngiti. Humiga siya sa kama. Ginaya naman siya ni Karin at tumabi sa kanya. Nakita niyang tinitignan din ni Karin ang notebook kaya bigla niya itong isinara.
“May mga bagay na hindi mo pa maiintindihan, at hindi mo na dapat pang intindihin.” sabi niya kay Karin na nakatingin sa kanya.
“Basta kahit anong mangyari, lahat ng yun para sa’yo ... para sa ikabubuti mo.” patuloy ni Kino.
Nagkaroon ng munting katahimikan bago muling nagsalita si Karin.
“Kuya?”
“Hmm ...?”
“Thank you.”
Natawa si Kino sa narinig. Humarap siya kay Karin at muling nagsalita.
“Alam mo kung gaano ka kahalaga sa’ken? Mas mahalaga ka kesa sa notebook na ‘to ... kaya halika dito ...” sabay hila kay Karin at nagsimulang magkilitian. Ang tunog ng tawanan nila ay parang musika na unti-unting nagbibigay ng lakas sa kanya. Basta ba magpapatuloy sa pagtawa nga ganito si Karin, ayos na rin. Alam niyang magiging masaya ang lahat.
Huminto ang tawanan. Bumawi ng hinga at nagpahinga ng kaunti. Hinawakan ni Kino ang maliit na kamay ni Karin.
“Sabi ni Mama hindi ka raw natulog. Hinintay mo raw ako. Dahil dyan, sasamahan mo ako matulog buong araw. Okay ba?”
Tumango si Karin. Nakita niya itong pumikit saka niya ito niyakap at pumikit na rin.
*
Biglang nagising si Karin dahil sa malakas na hagulgol na narinig niya mula sa labas. Napatingin siya sa buong kwarto. Wala ang Kuya niya sa kanyang tabi. Sinilip niya ang maliit na orasan sa gilid niya. Alas tres pasado na. Tumayo siya at unti-unting binuksan ang pinto, hindi mapigilan ag kaba sa dibdib niya.
“Dito ka na muna. Hinihiling nila na kausapin tayo. Ako na lang ang pupunta doon. Baka may kondisyon pa sila ...” narinig ni Karin na sabi ng Papa niya.
“Kondisyon? Pamilya na natin ang hinamak nila tapos sila pa ang may ganang magbigay ng kondisyon?!” pasigaw na sabi ng Mama niya, umiiyak.
“Wala na tayong magagawa. Ilang beses na nating pinagsabihan si Kino. Alam nating lahat na pwedeng mangyari sa kanya yung kinahantungan ni Levy ...” sabi muli ng Papa niya, pinipigilang magtaas ng boses.
“Hindi matutulad si Kino sa kaibigan niya. Nangako siya sa akin. Nangako siya na babalik siya.”
“Ibabalik nila si Kino. Ipagdasal mo na sana may buhay pa.”
Doon muling lumakas ang pag-iyak ng Mama niya. Natakot siya sa mga narinig. Mabilis inalala ni Karin ang mga pinag-usapan nila ng Kuya niya. Nagbabaka sakaling may nakaligtaan siyang pwedeng maging pahiwatig sa mga maaaring mangyari. Pero wala siyang maalala. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang naintindihan sa mga pinag usapan nila..
Dahil sa kaguluhang nararanasan niya, pinilit na niyang lumabas ng kwarto at nilapitan ang Mama niya.
“Ma ... si Kuya?” bungad ni Karin. Niyakap lang siya ng Mama niya na umiiyak. Wala siyang sagot na nakuha rito.
“Aalis na ako. Ikaw na munang bahala kay Karin.” sabi ng Papa niya saka ito lumabas ng bahay. Naiwan ang dalawang nakatayo at tinititigan ang isanarang pinto.
*
Makalipas ang mahigit dalawang oras, bumalik ang Papa niya kasama ang mga sagot sa tanong niya. Kabaong ang sumunod na ipinasok sa loob ng bahay nila. Tinignan ni Karin ang mga magulang niya. Magkasama sila sa isang sulok, seryosong nag-uusap. Hindi na niya tinangka pang lumapit sa kanila. Umupo na lang siya sa isang tabi, pinapanood ang pag-aayos ng mga tao sa lalagakan ng Kuya niya.
Patay na ang Kuya niya ... isang katotohanang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya ... at isa ring katotohanang hindi niya akalaing mangyayari. Magkasama lang sila kanina, masayang nagke-kwentuhan. Naramdaman niyang muli ang huling hawak nito sa kanyang kamay, ang huling yakap nito. Dahan dahan ng tumulo ang mga luha niya. Ang katotohanang hindi na niya mararamdaman pang muli ang Kuya niya ang nagbibigay ng matinding sakit sa kanya. Umiyak siya. Umiyak ng umiyak. Hanggang sa naalala niya ang nnotebook.
Muli siyang pumasok sa kwarto ni Kino. Sinimulan niyang kalkalin ang bawat drawer at gamit nito. Hinalungkat niya ang buong kwarto ngunit wala siyang nakitang notebook. Tinignan niya rin ang basurahang pinagsunugan ngunit walang senyales na sinunog ng Kuya niya ang notebook.
Sa kanyang paghahanap, iba ang natagpuan niya. Agad niyang binuksan ang Inbox nang mahawakan ni Karin ang cellphone ni Kino. Inisa-isa niya ang mga mensahe.
“ ‘Dre, patay na si Levy. Na-trace ka na nila. I’m sorry.” sabi ng unang mensahe na mula kay Rico.
“Yung ambush kay Mayor, set up lang para pagtakpan ang pinuno. Andun si Levy. Investigation.” sabi ng pangalawa.
“Confirmed, dre! Para sa pinuno yung pera. Info for the public tom. Credits to Levy. Malapit na, ‘dre.” kasunod pa.
Tinnigil na niya ang pagbabasa. Mas lalo siyang naguluhan. Pero may isang salitang nakatawag pansin sa kanya.
“EVERYN”
May isang mensahe na ito lamang ang laman. At tandang tanda niya na ang salitang ito ang nakita nniyang tanging naka-highlight sa notebook ng Kuya niya. Hindi man niya alam kung anong ibig sabihin nun, alam niyang mahalaga yun.
Tinago niya ang cellphone ni Kino. Alam niyang importante ito. Pati na rin ang kwarto nito ... pugad ng katotohanan at pangarap na hindi pinalad magtagumpay. At alam ni Karin, sa pagkawala ni Kino, lahat ng ito’y hindi masasama. Magpapatuloy ang lahat. Dahil naniniwala siya na ang lahat ng nangyayari ay para sa kanya.