Thursday. No effing classes because we are done with our epic Field Study.

I'm really tired actually. The exam week is running closer to us. Our movie is far from reality. Requirements ... they're killing me.

I scheduled a shooting this afternoon. Yeah. I'm super tired. Did I mention that already? HAHA. OO. Pagod na nga ako. Kaya pwede bang wag na lang mag english? Masaya naman ang shooting kahit pagod na pagod na ako. (paulit ulit na ako?) Nakakatuwa rin dahil game na game ang bida kong si Pheng. Buti na lang. Hindi ko na kasi kaya maging bida eh. Ako na nga ang script writer, cameraman, propsman, editor ng movie, runner pa. Ano pa ba? All in one na ako. Tapos aasahan niyo pang maging actress ako? Supppppeeeeer tired na ako nun for sure. Buti na lang talaga anjan si Alejandro, ang laging nagpapasaya at nag aalaga sa akin. Hindi niya talaga ako pinababayaan. Laging nasa tabi ko at lagi kong maaasahan. Minsan iniisip ko ang swerte ko sa kanya. Maswerte ako kasi ako ang minahal niya.

Buong hapon kaming nagshooting. Nang makatapos kami ng isang scene, nagrequest ng pahinga ang bida. Pinagbigyan ko muna sila para naman makakuha ako ng clearance. OO. Exam na next week pero wala pa akong clearance. Grabey na itey! SInamahan ako ni Al kumuha. Pero bago pa ako makarating sa Admin Building, isang matinding balita ang sumalpok sa akin. Bukas na raw ang pasahan ng movie. BONGGA! Ang tagal bago nag sink in sa akin. Pero nang mga time na yun, hindi ko na alam ang gagawin ko. May powerpoint presentation pang naghihintay sa akin sa bahay!

Dahil sa masaklap na pangyayari, napag usapan namin na tapusin lahat ng shooting ngayong gabi. Yeah! Ngayong gabi sa San Antonio. Tinapos lang namin ang kalahati ng isang scene saka na kami dumiretso sa San Antonio. Yung iba umuwi muna para magpaalam at magbihis. Naki insert na rin ako ng sim sa cp ni Al para makatawag sa ibang cast. Ang masakit, yung iba hindi makakapunta. Kailangan maghanap ng ibang cast.

So daming text na ang natatanggap ko. Nagkaproblem pa yata sila Jaja at si Ron. Pero pagtingin ko sa cp, may isang text message na nakatawag ng pansin sa akin. "Mahal ko" were the first two words. Mahal ko. Eh cellphone to ng boyfriend ko. Baby ko naman ang tawag niya sa akin. Malamang hindi ako yun. May iba pa siyang mahal? May iba pa siyang girlfriend?

Tinignan ko lahat ng text messages. Hindi naman ako ganung tao pero sinubukan kong basahin lahat. Ang tapang ko nu? Hindi ko alam kung san ko nahugot yung tapang ko. Dahil siguro sa pagod eh namanhid na ako ng lubusan. Casual lang yung mga nabasa ko sa inbox. Yung mga tipong "kumain ka na?" "Ok lang ako." "May sakit ako kaya hindi ako pumasok." Yung mga tipong ganun. Hindi nga lang normal kasi sa bawat messeage may "mahal ko". Okay. Inbox yun. I checked the sent items. I should look at his side, and that was the sent items. Yung mga unang message, ok pa. Wala akong nakitang "mahal ko". Pero tulad siya sa mga sinasabi niya sa akin. "Drink your meds". "Kain na po kayo." Yung totoo? Ano ba niya ako?

Hanggang sa kalagitnaan ng sent items, nakita ko na tinatawag na ring niyang "Mahal ko" yung lintik na babae na yun. Kung sino man yun. At may isang particular message ang nagpahinto sa akin sa ginagawa ko ... "Mahal ko, gawin na nating legal yung relasyon natin ..." yan ang sabi ng boyfriend ko dun sa mahal "daw" niya.

Yung moment na yun, napapikit ako. Si Lord agad ang tinanong ko. Kailangan ba talaga lahat ng sakit at paghihirap maramdaman ko ngayong araw na ito? Nagtataka ako kung bakit ang lakas ng loob niyang ipahawak sa akin ang cellphone niya nang hindi pa nagbubura ng messages. Tinatanong ko na rin ang sarili ko kung bakit pa siya sumama sa akin sa shooting. Bakit pa niya pinapahirapan at dinadamay ang sarili niya sa lahat ng gulong pinapasok ko? Bakit ba? Ano ba talaga niya ako?

Napansin niya atang hindi na talaga ako okay. Tulala na lang ako na nakatingin sa bintana ng bus. Ang totoo, ayoko ng mag isip. Yung kama ko ang naiisip ko sa mga oras na yun. But I shook my head and started to talk to myself. I need to hold on. Stay focused. Stop thinking nonsense. Specially, don't cry. It will ruin everything. I am their only hope. I can't afford to lose hope now.

Di ko pa masyadong maramdaman yung sakit. Di ko pa ba siya gaanong mahal para masaktan ng sobra? I feel betrayed. Feeling ko talaga natraydor ako at nagkamali na naman ako ng pinagkatiwalaan. But still, I let him stay by my side. Hindi dahil sa kailangan ko siya ngayon, kundi dahil nararamdaman kong totoong mahal niya ako. I let the night pass. Masama man ang loob ko, nagshooting kami ng kasama siya. Natulog pa kami sa iisang bubong.

Mapapasaya at maaasahan ko pa rin kaya siya? Should I think about our relationship? I'm so tired getting hurt. Please Lord, You know everything. Please let it stop if it will just hurt me.

At the end, I was hurt. I was tired. Accomplished nothing. Ayy meron pala. Yung powerpoint ko. Ang FS ko? Patay.

GOOD MORNIGHT.
 
They are who they are. And it will never be changed.

I respect older people. Especially professional people. But what's happening now? Where did I go wrong? Masama bang magkaroon ng boyfriend?

I'm open that I have a boyfriend. I think that's better kasi alam kong wala kaming tinatago. Maybe we have a kinda intimate relationship and I think they can witness this, pero kailangan ba talagang maging topic yun araw araw? Honestly, they can talk to us if they really find it irritating. But no one dares to.

Hanggang sa one day before our monthsary, over ang sakit na nadama ng ulo ko dahil sa Trigonometry solutions.Jha went home early. I know she had so much things to do so I let her go. Uwian na rin naman ee. Pero ang dami dami ko pang dapat gawin. Lintik na sakit ng ulo yan. I called Al. He's my only hope. He accompanied me anywhere. Natapos ko naman ang lahat. Okay lang naman kahit nakita kami ng Dean namin. Actually medyo kinabahan ako kasi minsan na niya akong pinagsabihan about sa lovelife ko and our publicity. Sinabi niya lang na gusto niya akong kausapin about dun. Pero never pa nga lang natuloy.

Umuwi kami when I heard our Dean's call.  Hinatid ako ni Al sa bahay dahil sa sakit ng ulo ko. Nagpahinga. Gumawa ng school works. The end of the day.

The next day, hindi ako nakapasok dahil sa patuloy na pagsakit ng ulo ko. Ang migraine ko talaga. Nawili na ata. Nagpasalamat na lang ako kay Emmarose dahil pinuntahan niya ako sa bahay at naisagawa ang mga dapat gawin. Sira nga lang ang plano namin ni Al. It's our first Monthsary! October 3, 2012. Kaso may sakit ako. Pero hindi pa rin yun naging hadlang. He said that he'll just go in my place. And that's so sweet. He arrived at 2pm. It was a beautiful moment. Ewan ko ba. Sa mga sinabi niya sa akin, damang dama ko yung love niya. Yung feeling na teary eyed pa siya sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Yung saya niya, damang dama ko rin. :)

Nagcelebrate kami. Kumain ng pancit canton at nagluto si mama ng sparoni. Yeah. Celebration with the family talaga. The fact na he's really welcome in our family. He's one of us na ee. Happy. But that afternoon, nang dumating si Emmarose para ibalik yung payong na hiniram niya, may naibalita siya sa akin. Our adviser was trying to get all the keys of our room from us. We have two duplicate keys and he wanted them all. May narinig daw kasi siyang disturbing news. It's not about the cleanliness of our room. Ibang issue raw. That moment, feel ko na kung ano.

That night also, I proved that I was right. It's about me and Al staying in that stupid classroom. Nagde-date daw and the worst part, nadamay pa sila Jha. Let me refresh what I've written above. "Jha went home early. I know she had so much things to do so I let her go." Diba? Umuwi siya ng maaga, so paano naging double date ang lahat? I know it's not really proper that we stayed there after class. But, we had the permission of the Dean in the first place. So what now is the effing issue???

Kinabukasan, binalik ko na sa adviser namin yung susi. Nalaman ko na rin kay Jha ang buong kwento na napagalitan siya ng family niya dahil sa issue ng double date na yan. Kinuwento ko rin sa kanya yung totoong nangyari. Ngayon, nagtataka na kami. We were really sure na pinag uusapan nga sa loob ng faculty room yung issue na yun. I didn't want to know my adviser's reason why he wanted the keys. But he just told me na kukunin niya raw dahil yung isang susi ay nasa isang klase. What the hell! Why can't he just tell me the truth then ask me? But until now, that issue remains an issue. Hindi man lang namin nalinaw ang lahat. Magagalit sila pero hindi naman nila alamin kung ano talaga ang nangyari. Kaya nga lumalayo na talaga ang loob ko sa mga tao sa faculty eh. They are professionals. If they want to make things right, they have the right to do it in a proper way. Hindi yung puro chismiss ang alam nilang gawin. Nakakahiya naman sa kanila.

Alangan kaming dalawa ni Jha ang lumapit sa kanila para mag explain? At kung sino man ang nagkakalat ng lintik na balita na ubod naman ng mali, good luck sa kanya. Saglit lang naman tumatagal ang mga mali eh. Hindi man lumabas ang totoo at tama, bandang huli iyon pa rin ang mananaig.

Commentators slash professionals. You are who you are. And please act as one.
GOOD NIGHT