They are who they are. And it will never be changed.

I respect older people. Especially professional people. But what's happening now? Where did I go wrong? Masama bang magkaroon ng boyfriend?

I'm open that I have a boyfriend. I think that's better kasi alam kong wala kaming tinatago. Maybe we have a kinda intimate relationship and I think they can witness this, pero kailangan ba talagang maging topic yun araw araw? Honestly, they can talk to us if they really find it irritating. But no one dares to.

Hanggang sa one day before our monthsary, over ang sakit na nadama ng ulo ko dahil sa Trigonometry solutions.Jha went home early. I know she had so much things to do so I let her go. Uwian na rin naman ee. Pero ang dami dami ko pang dapat gawin. Lintik na sakit ng ulo yan. I called Al. He's my only hope. He accompanied me anywhere. Natapos ko naman ang lahat. Okay lang naman kahit nakita kami ng Dean namin. Actually medyo kinabahan ako kasi minsan na niya akong pinagsabihan about sa lovelife ko and our publicity. Sinabi niya lang na gusto niya akong kausapin about dun. Pero never pa nga lang natuloy.

Umuwi kami when I heard our Dean's call.  Hinatid ako ni Al sa bahay dahil sa sakit ng ulo ko. Nagpahinga. Gumawa ng school works. The end of the day.

The next day, hindi ako nakapasok dahil sa patuloy na pagsakit ng ulo ko. Ang migraine ko talaga. Nawili na ata. Nagpasalamat na lang ako kay Emmarose dahil pinuntahan niya ako sa bahay at naisagawa ang mga dapat gawin. Sira nga lang ang plano namin ni Al. It's our first Monthsary! October 3, 2012. Kaso may sakit ako. Pero hindi pa rin yun naging hadlang. He said that he'll just go in my place. And that's so sweet. He arrived at 2pm. It was a beautiful moment. Ewan ko ba. Sa mga sinabi niya sa akin, damang dama ko yung love niya. Yung feeling na teary eyed pa siya sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Yung saya niya, damang dama ko rin. :)

Nagcelebrate kami. Kumain ng pancit canton at nagluto si mama ng sparoni. Yeah. Celebration with the family talaga. The fact na he's really welcome in our family. He's one of us na ee. Happy. But that afternoon, nang dumating si Emmarose para ibalik yung payong na hiniram niya, may naibalita siya sa akin. Our adviser was trying to get all the keys of our room from us. We have two duplicate keys and he wanted them all. May narinig daw kasi siyang disturbing news. It's not about the cleanliness of our room. Ibang issue raw. That moment, feel ko na kung ano.

That night also, I proved that I was right. It's about me and Al staying in that stupid classroom. Nagde-date daw and the worst part, nadamay pa sila Jha. Let me refresh what I've written above. "Jha went home early. I know she had so much things to do so I let her go." Diba? Umuwi siya ng maaga, so paano naging double date ang lahat? I know it's not really proper that we stayed there after class. But, we had the permission of the Dean in the first place. So what now is the effing issue???

Kinabukasan, binalik ko na sa adviser namin yung susi. Nalaman ko na rin kay Jha ang buong kwento na napagalitan siya ng family niya dahil sa issue ng double date na yan. Kinuwento ko rin sa kanya yung totoong nangyari. Ngayon, nagtataka na kami. We were really sure na pinag uusapan nga sa loob ng faculty room yung issue na yun. I didn't want to know my adviser's reason why he wanted the keys. But he just told me na kukunin niya raw dahil yung isang susi ay nasa isang klase. What the hell! Why can't he just tell me the truth then ask me? But until now, that issue remains an issue. Hindi man lang namin nalinaw ang lahat. Magagalit sila pero hindi naman nila alamin kung ano talaga ang nangyari. Kaya nga lumalayo na talaga ang loob ko sa mga tao sa faculty eh. They are professionals. If they want to make things right, they have the right to do it in a proper way. Hindi yung puro chismiss ang alam nilang gawin. Nakakahiya naman sa kanila.

Alangan kaming dalawa ni Jha ang lumapit sa kanila para mag explain? At kung sino man ang nagkakalat ng lintik na balita na ubod naman ng mali, good luck sa kanya. Saglit lang naman tumatagal ang mga mali eh. Hindi man lumabas ang totoo at tama, bandang huli iyon pa rin ang mananaig.

Commentators slash professionals. You are who you are. And please act as one.
GOOD NIGHT




Leave a Reply.