Ang akala ko okay na. Akala ko masaya na ulit kami. Akala ko gusto na niya ulit na bumalik kami sa dati. Kaso bakit ang dami dami pa niyang sinasabi? Bakit parang galit pa rin siya na ewan. Hindi ko magets utak niya kahit kailan. What's happening? For sure ako na naman masama sa lahat ng tao. Buti sana kung yung mga pinagkkwentuhan niya ng mga walang kwentang bagay na yun eh hindi ko makakasalamuha. Tapos makakaramdam na naman ako ng kaplastikan? Huwaw! Hirap na hirap ako sa mga moment na ganun kasi hindi ako plastic na tao. Yung tipong ngingiti sila sa harap mo, pero pagtalikod mo kung ano ano sinasabi. Common na yan sa mundo natin ngayon. Bwiset lang kasi hindi ako masanay sanay.

Wala pa si Boyfriend. Wala tuloy kakampi. Pero chos lang yun. Bakit kasi naisipan pa niyang magstop?? Okay lang naman sa akin lahat ng desisyon niya. Kung yun talaga ang ang sa tingin niya ay tama niyang gawin at makakabuti naman sa kanya eh susuportahan ko siya. Nalubos na nga namin ang buong linggo. Always magkasama at hindi naghiwalay. Ngayon naman miss na miss ko siya. Tapos hindi pa siya nagtetext. Haist. Siya na ang busy at hindi nahahawakan ang cellphone. Bakit ako? Dami ko rin gawa pero I always make sure that I let him feel important in spite of those damn works. Psh. Sige na nga. Let's stop comparing. Hindi ko naman alam ang tunay na sitwasyon niya dun. Pero bakit nga kasi hindi pa niya tapusin? ... 2 years na nga lang ee. Mauuna na nga siyang makagraduate ee. Ayan na. Paulit ulit na ako. Kasi naman ee. Di na ata ako sanay na hindi ko siya kasama. Forever alone na naman ba ako? Psh. Psh.

Nakakatampo talaga tong dalawang to. Siguro masyado lang akong OA at praning. Maybe I should practice my wonderful patience and understanding. Ako naman ang laging umiintindi ee. Kailangan 'wag maging mapanghusga agad. Dahil hindi ko nararamdaman ang mga nararamdaman nila. Pero ang hiling ko lang, sana kahit papaano, maramdaman din nila kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon.

Narinig ko ulit boses ni Al. Gusto ko siyang awayin pero hindi ko magawa. Wala akong karapatan ee. I mean, napakababaw. Tampo lang talaga to. Ako na ang matampuhin. Ngayon lang to. 2 days pa lang kaming hindi nagkikita, praning na ako. Paano pa sa mga susunod na araw??

Pero naisip ko, parang walang kwenta naman tong pinoproblema ko. Dalawang tao? Psh. Dapat isipin ko kung paano ako makakapag enroll. Ano na nga bang mangyayari sa movie at sa litsing net ng sepak na pinabibili ni Sir P.E.? Parang gusto ko na tuloy lumipat ng school. Naku! Hindi dapat ako ganito mag isip. Kung bakit kasi lahat ng naiisipan ko, trip kong gawin.

Sa huli, hindi ko mababago ang fact na start na ng pasukan ng second sem bukas ... pero hindi pa rin ako enrolled. Lunes na bukas at Linggo ngayon. Inaantok na ako.

Magtiwala at maniwala sa Kanya, dahil sa Kanya ay may pag-asa. Buti na lang nagsimba ako kanina. Tiwala lang. May mangyayari ring mabuti. Umaasa ako. Promise. Patuloy akong umaasa.

Good night.



Leave a Reply.