Ang akala ko okay na. Akala ko masaya na ulit kami. Akala ko gusto na niya ulit na bumalik kami sa dati. Kaso bakit ang dami dami pa niyang sinasabi? Bakit parang galit pa rin siya na ewan. Hindi ko magets utak niya kahit kailan. What's happening? For sure ako na naman masama sa lahat ng tao. Buti sana kung yung mga pinagkkwentuhan niya ng mga walang kwentang bagay na yun eh hindi ko makakasalamuha. Tapos makakaramdam na naman ako ng kaplastikan? Huwaw! Hirap na hirap ako sa mga moment na ganun kasi hindi ako plastic na tao. Yung tipong ngingiti sila sa harap mo, pero pagtalikod mo kung ano ano sinasabi. Common na yan sa mundo natin ngayon. Bwiset lang kasi hindi ako masanay sanay.

Wala pa si Boyfriend. Wala tuloy kakampi. Pero chos lang yun. Bakit kasi naisipan pa niyang magstop?? Okay lang naman sa akin lahat ng desisyon niya. Kung yun talaga ang ang sa tingin niya ay tama niyang gawin at makakabuti naman sa kanya eh susuportahan ko siya. Nalubos na nga namin ang buong linggo. Always magkasama at hindi naghiwalay. Ngayon naman miss na miss ko siya. Tapos hindi pa siya nagtetext. Haist. Siya na ang busy at hindi nahahawakan ang cellphone. Bakit ako? Dami ko rin gawa pero I always make sure that I let him feel important in spite of those damn works. Psh. Sige na nga. Let's stop comparing. Hindi ko naman alam ang tunay na sitwasyon niya dun. Pero bakit nga kasi hindi pa niya tapusin? ... 2 years na nga lang ee. Mauuna na nga siyang makagraduate ee. Ayan na. Paulit ulit na ako. Kasi naman ee. Di na ata ako sanay na hindi ko siya kasama. Forever alone na naman ba ako? Psh. Psh.

Nakakatampo talaga tong dalawang to. Siguro masyado lang akong OA at praning. Maybe I should practice my wonderful patience and understanding. Ako naman ang laging umiintindi ee. Kailangan 'wag maging mapanghusga agad. Dahil hindi ko nararamdaman ang mga nararamdaman nila. Pero ang hiling ko lang, sana kahit papaano, maramdaman din nila kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon.

Narinig ko ulit boses ni Al. Gusto ko siyang awayin pero hindi ko magawa. Wala akong karapatan ee. I mean, napakababaw. Tampo lang talaga to. Ako na ang matampuhin. Ngayon lang to. 2 days pa lang kaming hindi nagkikita, praning na ako. Paano pa sa mga susunod na araw??

Pero naisip ko, parang walang kwenta naman tong pinoproblema ko. Dalawang tao? Psh. Dapat isipin ko kung paano ako makakapag enroll. Ano na nga bang mangyayari sa movie at sa litsing net ng sepak na pinabibili ni Sir P.E.? Parang gusto ko na tuloy lumipat ng school. Naku! Hindi dapat ako ganito mag isip. Kung bakit kasi lahat ng naiisipan ko, trip kong gawin.

Sa huli, hindi ko mababago ang fact na start na ng pasukan ng second sem bukas ... pero hindi pa rin ako enrolled. Lunes na bukas at Linggo ngayon. Inaantok na ako.

Magtiwala at maniwala sa Kanya, dahil sa Kanya ay may pag-asa. Buti na lang nagsimba ako kanina. Tiwala lang. May mangyayari ring mabuti. Umaasa ako. Promise. Patuloy akong umaasa.

Good night.
 
Limang araw ko na siyang hinahanap hanap at hinihintay na makitang muli. Pero bakit ganun? Nang makita ko ulit siya, bakit parang hinahanap hanap ko naman yung feeling na hinahanap hanap siya. Ano raw?

At unti unti ulit kaming nagiging close ni Best friend Bij. Ewan ko ba. Madalas na siyang nagtetext. Siya na ang unang nagtetext at parang nagpapapansin. Ewan ko ba ulit. I just want to see him. Best friend ko siya, malamang miss na miss ko na yun. Huling kita ko sa kanya last month pa. Naaalala ko may monthly period ako nun. Yung pinuntahan niya ako sa bahay ng 8:30 ng gabi para lang ilibre ng ice cream. Pero alam ko wala lang yun. We're friends ... nothing more, mothing less.

Ito namang si Boyfriend Al, umuunlad. Dumadalas man ang pagtatalo namin, pero mas nararamdaman ko yata na mas minamahal ko siya habang tumatagal. I already admitted naman na I didn't love him that much in our first weeks. Kaso masyado niya ata talaga akong mahal. Though minsan nararamdaman ko ang pagiging childish at gangster niya, naipapakita pa rin niyang mahal na mahal niya ako. At naniniwala at inaasahan ko talaga yun. Kahit maraming babae na nagpaparamdam sa kanya na nagpapabwiset sa akin, pag lumipas naman na eh hindi na ako apektado. Nararamdaman ko kasi talaga pagmamahal niya.

Pero sumobra naman na ata yung pagseselos niya kay Bestfriend Bij. Lagi ko raw kasi tinetext. Malamang Best friend ko siya. Ganun ba siya kaapektado sa fact na ex boyfriend ko rin si bestfriend?? Nagagalit tuloy si bestfriend sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit kailangang wag ko siya itext forever and ever at kung bakit kailangang dapat hiwalayan ko na si boyfriend.

Kuha ko ang point ni Al. Burahin ang number ni Bij at huwag ng itext dahil ex boyfriend ko siya at nagseselos siya. Forever? Ohmygas. Tanga ko lang kasi sumunod ako sa kanya. Bakit ba hindi ko kayang ipaglaban si Bij sa kanya? Talaga bang mas mahal ko si Al kesa kay Bij? Dapat lang naman.

Gets ko rin naman si Bij. Wala naman siyang ginagawang masama at ang tanging gusto lang naman niya talaga ay ang makasama ang super best friend niya. At ang matatanggap niya lang ay ang hindi masyadong magandang approach ni Al na huwag na akong itext. Ayun ... pinapili niya ako. Kailangan ba umabot kami sa ganto? Kailangan ko ba talaga pumili sa kanila. He'll stay if I leave the other one? Is it fair? I'm starting to get confused.

Sigurado akong mahal ko si Al. Minsan. Ewan ko ba. May time na kapag tinititigan ko talaga siya, pakiramdam ko mahal na mahal ko siya. Teary eyed effect pa nga ako ee. And I'll end up hugging him. Bij? He's my bestfriend and nothing can change that. Mahal na mahal ko rin naman yun. Pero yung pumili sa kanilang dalawa, bakit?

Bij o Al? I don't know. Pero right now, si Bij ang katext ko gamit ang fb. Miss din ako ee. Tsaka baka ibang mga girls ang katext ni Al. Haist. Nawalan lang ako ng load dahil offline ang smart ee. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako ng sobra. >.<

Masama ba ako? Dapat ba talaga isa lang? Isa lang naman talaga boyfriend ko aa. At isa lang rin bestfriend ko. Masama ba? Medyo nagi-guilty ako dahil hindi ko ginagawa yung sinabi ni Al. Bakit ba ganun? Naiiyak ata ako. HAHA.

Wala na akong kwentang kausap. Mag edit pa ba ako ng movie? Matulog na lang ata ako. ^.^